ANO ANG KAHULUGAN ng “MAKASANLIBUTAN”? (1 Juan 2: 15-17)
- Lust of the Flesh- hilig ng laman
- Lust of the Eyes – tukso sa paningin
- Pride of Life – kayabangan ng buhay
PAANO AKO MAAAPEKTUHAN NITO? (1 Juan 17: 15)
- IMPLUWENSYA - malakas ang impluwensya ng sanlibutan. Subalit kailangan natin itong labanan sa tulong ng Holy Spirit at accountability group.
- PAGDUDUDA SA DIYOS - ang tukso ay di pa kasalanan. Pero kapag nagsimula ka ng mag isip ng mga
- “WHAT IF - subukan ko kaya…” delikado ka ng gawin ito.
- PAULIT -ULIT - kapag hindi mo nakontrol sa una, ito ay masusundan pa ng pangalawa at maraming beses pa. Nanganganak na rin ito ng iba pang kasalanan.
- ADDICTION - sa katagalan, naitatago sya ng tao subalit unti unti nitong inilalayo ang tao sa Diyos dahil hindi na nya maiwan ang kanyang “ addiction”.
PAANO KO ITO HAHARAPIN? (1 Timothy 6: 12)
- MALINAW NA TURO - maging malinaw sa iyo ang mga turo ng bibliya bilang “ non negotiable” . Tayuan mo ang tama at layuan ang alok o anumang porma ng masama.
- MAG-INGAT. MAG –ISIP - maging maingat sa taong laging kasama, mga pinapanood, pinapakinggan o binabasa. Ito ang malakas makaimpluwensya.
- LABAN NG MALAKAS - palakasin ang iyong espiritu sa pamamagitan ng Quiet time at fellowship at Cell group. Ito ang tutulong sa iyong lumaban sa tukso.
- ACCOUNTABILITY - i-share sa isang godly Christian ay iyong struggles laban sa tukso upang magkaroon ng accountability at katulong sa paglaban dito. Iwasan ang pag iisa sa mga lugar na mag uudyok sa kasalanan.
- SAY “NO” - matutong magsabi ng “NO” sa kasalanan. Iwasang magtago. Bantayan ang mga kahinaan. Wag maging mayabang at separatista.
- PRAY. PRAY - ipanalangin mabuti ang isang bagay bago gawin. Tanungin kung ito ba ay talagang nakakalugod sa Diyos at nakakabuti sa pananampalataya.
Ano ang struggles mo? Paano ka magtatagumpay?
No comments:
Post a Comment